Mobula 8 Analog Version SPI ELRS Receiver Option abot kaya sa presyo para sa mga FPV beginners na mag papalipad ng 85mm Whoop Drone complete package yung product natin mula sa HappyModel.
Complete Package
Brushless motor model EX1103 KV11000 maganda ang lipad tama lang yung tunog ng motor at may bigat na 3.8g bawat isa low maintenance yung motor natin madali lang palitan dahil plug-in play na ito hindi na kailangan pa isolder yung wire i-connect mo lang ito sa ilalim ng esc port nito.
EX1103 KV11000 Brushless Motors
JST 1.25mm PH 2PIN
Ang propeller nito Gemfan 2023 tri-blade 2″ clear gray recommended motor: 1106-6000kv.
Propellers
Sa flight controller naman nito build-in ELRS 2.4G Receiver, Onboard 4 in 1 ESC at OpenVTX 400mw AIO (All In One), Mount Hole size: 25.5mm*25.5mm. ito ang maganda pinagsama na sa isang board need mo lang muna i-flush ang firmware nito sa betaflight ang target: CRAZYBEEF4SX1280. Take Note: kung ang iyong radio transmitter ay Elrs 3.0 Ver. Protocol dapat same 3.0 Ver flight controller kung hindi kailangan mo mag update ng firmware ng iyong fc para mag bind ito.
Flight Controller
Sa ilalim ng flight controller nito ay onboard 4in1 ESC para sa power supply nito 1-2S Li-Po/Li-Po HV ang gamitin kung mag setup ka ng ESC mo pwede kang gumamit ng Bluejay Firmware supported naman ito.
4 in 1 ESC
Default Protocol: DSHOT300
Support Bluejay firmware
Power Supply: 1-2S LiPo/LiPo HV
Support BLHeliSuite programmable
Current: 12A continuous peak 15A
Makikita sa larawan yung build-in receiver nito smd antenna ceramic pero malakas ang signal sa packet rate nito option 50Hz/150Hz/250Hz/500Hz at RF Frequency 2.4Ghz.
SPI ExpressLRS 2.4GHz Receiver
ExpressLRS Firmware version: V2.0
Receiver protocol: SPI ExpressLRS
Packet Rate option: 50Hz/150Hz/250Hz/500Hz
RF Frequency: 2.4GHz
Antenna : SMD Ceramic Antenna
Telemetry output Power: <12dBm
Ang camera natin ay Caddx ANT 1200tvl Analog tama lang para sa mga beginners sa fpv flight meron naman mga digital camera quality tulad ng Dji O3 Version, O3 Lite Version, Walksnail Version at HDZERO Version malinaw po ang mga ito medyo mataas lang ang price.
Caddx ANT 1200tvl Camera
Horizontal Resolution: 1200 TVL
TV System: NTSC or PAL
Wide Power Input: DC 3.7-18V
Auto Gain Control: YES
Image Sensor: 1/3″ CMOS Sensor
Image: 16:9 or 4:3
Lens: 1.8mm
Weight: 2g
Yung timbang ng drone natin kasama na yung li-po battery nito ay nasa 72g ang capacity ng battery ay 450mAh 75C 7.4V 2S pang XT-30 yung plug nito Tattu Brand.
72g Drone with Li-Po Battery
7.4V 450mAh 75C 2S Li-Po Battery
Mga kailangan mo bago ka mag purchase ng Mobula 8 Micro Fpv Whoop ay Radio Transmitter, Fpv Goggles at Li-Po Battery ng drone. kailangan mag start ka muna sa simulator gamit ang iyong Laptop at Radio Transmitter para magamay mo ng husto yung joystick, switch at yung Angle mode, Acro mode na lipad ang recommend ko ng simulator ay Uncrashed FPV Drone Simulator dyan mo lahat makikita yung ibang category ng drone, lugar na pag liliparan, setup ng radio transmitter mo at marami pang iba.
Ito yung link ng ating Mobula 8 Micro Whoop Drone Shopee Buy Link: https://shope.ee/qLywuLoPV Salamat sa pag bisita sa website natin hangang sa muli.
Test Flight Mobula 8 Drone