TAPO C500

Ito ang bagong labas na TP-Link Tapo C500 maganda ang design nya color white and black pang outdoor ang camera na ito pero kung gusto mo gamitin sa loob ng bahay pwede parin.

IP65 Water and dust resistant kahit ilan beses umulan o umaraw daanan ng alikabok working parin ang camera natin. Maganda ang kalidad nito dahil TP-Link Brand subok na sa industry ng computer networks, camera at iba pang electronics devices.

Mabigat sya kaya kailangan naka-mount maigi ang Tapo C500 Camera

Ang quality ng camera nito ay 1080p full high definition katumbas sa linaw ng tv pwede mo i-adjust yung camera resolution nito mula sa 360p, 720p at 1080p tandaan mababang resolution(360p) matagal mapuno ang memory card pero kapag mataas na resolution(1080p) pwede mapuno ang memory card natin.

Ang Tapo C500 natin ay may 360 degree na horizontal motion tracking at 130 degree vertical pan at tilt range ibig sabihin nito kayang sundan ng camera natin ang isang tao na umaaligi sa paligid ng bahay mo at AI person detection pwede mo i-customized yung notification, detection, sounds and alarm nito sa Tapo App.

Bago mo ikabit sa mataas na posisyon ang camera kailangan connected na ito sa wi-fi

Bago mo gamitin ang Tapo C500 kailangan mo mag download ng tapo app sa phone mo meron QR Code sa gilid ng box ng product natin scan mo lang at mapupunta ka na sa google playstore then may mababasa ka na tapo app download mo lang after ma-download click install

Pwede rin sa playstore mo hanapin type mo lang sa search box Tapo App then click muna search after muna download install muna yung Tapo App follow screen instruction.

Pwede rin ipatong ang ating Tapo C500 Camera bukod sa nakasabit ito

Compatible ang Tapo C500 sa Adroid or iOs Phone kailangan up to date ang software ng phone natin bago nyo install ang tapo app.

Mayroon din itong night vision hanggang 98 ft at sa memory storage nito up to 512Gb capacity oo nga walang kasama memory card ang product natin hiwalay po yun.

Tapo C500 Camera at Support bracket

2 way audio na rin ito ng microphone at speaker madali na ang communications sa family, business or work kailangan lang malakas ang ating wi-fi signal para ma-meet natin yung magandang sound at video quality ng Tapo C500 camera.

Pwede nyo i-check yung video natin sa baba para sa actual setup ng Tapo C500 sa android phone. salamat sa pag bisita sa website natin hangang sa muli.

Description:
Tapo C500 Camera
DC Power Adapter
Mounting Template
Anchors and Screws
Waterproof Seal
Quick Start Guide

Tutorial Video Tapo C500